Eleksyon 2010
12:07:00 PMHindi ko alam kung ilang oras akong naghintay hindi ko inalintana ang lamig na dulot ng nahuhuog na ulan, ngunit ang inip at pagkabagot ay siyang nagudyok sa akin upang umalis sa pilang pinilahan. Sumugod ako sa mahinang pag-ambon at nagtungo sa bulwagan ng presinto kung san ang mahinang pagsigaw ng matabang mama ay siyang naririnig kasama ng mga patak ng ulan sa bubong ng silid. Ang sigla ay nagbalik ng malapit ng matawag ang numerong hawak ngunit anfg inis ay nagbalik dahil sa mga taong sumisingit. Nang ako ay pumasok sa silid, inis kong nararamdaman ay napalitan ng kaba. Sapagkat balota ay na sa mga kamayng nanginginig ng konti. Hindi ko nasunod ang nailista sa listahang hinanda. Ang kabang nanaig baka ang balota'y iluwa ang siyang sigurong dahilan kunga bakit listahan ay kinaligtaan. Matapos ang tinta'y sa mga kuko'y naipinta, ang galak at sayang nadarama ay hindi maekspleka. Parang pagka-Pilipino koy nabuo na. Hindi man manalo ang binuto ko, at least gumawa ako ng paraan upang makamtan ang pagbabagong inaasam.
1 comments